Paalam, Madam Miriam

efigenio-toledo-iv-philstar
Photo by Efigenio Toledo IV, Philstar Global

Mag iisang linggo na pala.

So totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala na pumanaw na si Senador Miriam Defensor-Santiago. Kasi una, binoto ko siya. Higit sa lahat, ang boring na manood ng mga hearing sa senado, at hindi magbu bunganga ng ganito si Senador Leila de Lima sa kahit anong dahilan. Yan ay kung hindi nag hangad ang namayapang senador na tumakbo muli bilang pangulo ng Pilipinas sa pangatlong pagkakataon. Pero ayoko na rin balikan yung teknikalidad ng pagtakbo sa eleksyon.

Sa pag alala ko kay Senator Miriam, nakakatuwang isipin na ang kalihim ngayon ng Department of Justice na si Vitaliano Aguirre II, na noon ay abogado para sa prosecution panel noong kasagsagan ng paglilitis kay Renato Corona, taon 2012 ay naramdaman niya ang hagupit ng mga salita ng senador dahil sa pagtakip ng kanyang tenga sa harap ni Senador Miriam. Ang pinaka masama pa rito ay nasabihan pa na G-A-G-O ang buong prosecution panel dahil sa kanya.

Hindi lamang ito ang dahilan kaya talagang sinu subaybayan ang mga paglilitis na ito sa senado, apat na taon na ang naka lilipas.

Isa sa mga inabangan din ay ang pag imbestiga ng mga senador noon sa pork barrel scam kay Janet Lim-Napoles. Hindi ko man napanood mismo ang pagtanong ni Miriam kay Napoles na may soot na bulletproof vest, halata naman na gustong-gusto na rin itanong ng senadora kung talaga bang bulletproof ang soot niyang vest bago niya ito barilin.

At sinong makakalimot sa mga sagutan nila ni senador Juan Ponce Enrile? Isang tao na para bang nakakalimutan sundoin ni Dr. Kaye M. Tayan. Isang tao din na sinabi ng senadora na sa sobrang tanda ay present sa Huling Hapunan kasama ni Jesus.

Kung nakaupo pa rin si Miriam sa senado, malamang-sa-malamang ay sasabonin niya si Edgar Matobato sa paraan na inaasahan ko. Siyempre, bubungangaan si Matobato at panigurado tapos na agad ang senate inquiry bago mag Undas at hindi masasayang ang panahon at oras ng senado sa pagbuo at pagsasabatas ng mga panukalang batas.

Ini-imagine ko na lang talaga. Kung buhay pa rin talaga siya

Nakakalungkot isipin na dumagdag ang senadora sa tala ng mga tinubos ng sakit na cancer ngayon taon, tulad nina Alan Rickman at David Bowie.

Ang inakala kong mabubuhay pa siya at pwede pa namin sabihin na mali ang pagboto nila kay Pangulong Duterte pagdating ng 2022 ay hindi na namin magagawa dahil nga sa nangyari. Ganon pa man ay tinanggap ko ng buong loob ang resulta ng eleksyon ngunit hindi katanggap-tanggap na dinaig siya ni Jejomar Binay at naging ganon lamang ang dami ng kanyang boto dahil lamang sa kanyang kondisyon.

May ilang mga bagay lang din ako na hindi masyadong naunawaan noon sa huling niyang pag takbo, at ito ay kung bakit tila walang masamang tinapay ang senadora kay Pangulong Ferdinand Marcos kaya niya napili na makasama si Bongbong Marcos bilang pangalawang pangulo sa kanyang huling kandidatura.

Ang nasabi na lang ng tatay ko kaya walang masamang tinapay si Miriam sa nakakatandang Mmarcos ay dahil parehong abogado ang senadora at ang Pangulong Marcos. Tinuring na lang din ito ng iba na pag galang sa isang tao na nagtala ng isa sa mga pinaka mataas na marka sa kasaysayan ng Philippine Bar. Magaling na abogado bago sumabak sa larangan ng politika. Higit sa lahat, parehong sila nakapag tapos sa University of the Philippines College of Law, siyempre sa magkaibang panahon.

Walang papantay sa kung ano man ang nagawa niya para sa bayan nag lingkod sa tatlong sangay ng pamahalaan. Naging husgado, kawani ng gobyerno sa ehekutibo, at siyempre, senador na nasa lehislatura.

Nakapag tapos ng abogasya sa UP, pumasa sa Bar Exam, naging nominado para maging husgado sa International Criminal Court, boses ng kababaihan, pati na rin ng mga estudyante, at marami pang iba na hindi nakakamtam ng basta-basta.

Pinanindigan niya talaga ang pagiging “Iron Lady of Asia”, na kahit inaalmusal niya ay mga death threat, hate mails, at kung ano pang mga hate message, at hina high blood sa mga senate inquiry ay walang inatrasan, wala din sinanto.

Advertisements

Author: babyama0402

I am Rick. Born April 2, 1993 living in the catch basin area of Sampaloc, Manila. I am underweight and if you can bring me to a buffet or just simply asking me out to have lunch or dinner I’ll have the most delicious meal with a lot of carbs and good fat. I am former psychology student at Colegio de San Juan de Letran and now I have shifted to journalism in the same institution. I am a fan of sports, music lover, animal lover, dog owner, movie goer in my spare time and money, geek and many other things such as photography. I am not really a bibliophile but I try to read a lot of books as much as I can from fiction to non-fiction, foreign or Philippine literature. I can write something about sports, social issues in the Philippines, even world news or just any thing I want to write about that can give meaning to the universe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s