MULA SA INIT NG AKING ULO

168590_190287204319839_6855677_n

Panahon na naman ng tag-init.

Kung babae ka panigurado inggit ka na naman sa mga kaibigan mong nagpupuntahan sa ibang bansa o probinsya at nakakapag island hopping sa kung saan-saan at pinagyayabang yong mga beach bodies nila para makahakot ng sankaterbang likes tapos ikaw hindi mo mapag yabang yong pinag hirapan mong beach body sa kabila ng pagiging member mo ng Gold’s Gym o kaya’y Fitness First. Malas mo na lang kung may stalker ka na kinu kunan na ng screen shot ang mga bikini photos mo. Malas niyo din kasi kung may siyota ka na macho, wala kayong mapakiusapan sa mga kaibigan niyo kung sino sa kanila ang pwedeng maging third wheel kahit sinabe niyo pa na sagot niyo ang ticket sa eroplano hanggang sa accommodation niya. Higit sa lahat, hindi ka rin makapag post nang  ‘SORRY ANG INIT’ kasi wala ka nga sa beach.

Kung lalaki ka malamang kasing tigang mo na yong palayan ng mga kamag anak mo sa probinsya dahil matagal ka nang hindi nakakainom ng beer. Dumi ng isip niyo ha.

Panahon din para pigilan ang sarili sa pag post ng comment at pagtawanan sila nang wala kang tina type sa device mo.

Huwag ka mainggit sa mga kaibigan o kakilala mo na nagpa pagala-gala o nagbabakasyon na ngayong panahon ng tag-init kasi hindi rin naman sila ang mismong gumagastos ng mga out-of-town na yon. Lalu na kung nabibilang sila sa isang pamilya na nakaka angat sa buhay. Magdalawang isip at maalarma ka kung nakasakay siya sa yacht tapos naka bikini pa.

At kung hampas lupa ka na nakatunganga lang sa bahay o kaya naman ay napilitan mag summer class dahil bumagsak ka sa ganitong subject, matutong makontento sa buhay at huwag mainggit dahil lang nandun sa lugar na ‘yon. Kasalanan mo din kasi kung bakit ka bumagsak at nagpalit ng course.

 

Sa kasalukuyan panahon na kung saan paunti-unti na nagbabago ang mga akademikong kalendaryo at sistema ng mga paaralan sa Pilipinas wala na rin talaga tayong karapatan mag reklamo at mag post sa mga social media account natin na kailangan niyong magbakasyon dahil silang mga pumapasok sa pamantasan na nagbago ng sistema tinitiis yong init dahil nagbayad sila ng malaking tuition sa pamantasan na ‘yon. At sa mga eskuwelahan na nagpalit ng mga akademikong kalendaryo nila, awang-awa ako sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman dahil may mga estudyante sila na malayo pa ang mga pinang gagalingan na lugar at kailangan tiisin at bunoin ang pang araw-araw na trapiko kung galing sila south sa area o parteng Paranaque, Las Pinas, Muntinlupa, at kung saan pa dahil na rin wala na silang mapag lagyan sa mga dormitoryo sa loob ng UP at may kamahalan din ang upa. Mala slang din nila dahil wala silang mga kamag anak na naka tira malapit lamang sa Diliman at ganon din walang maupahan na dorm dahil nga mahal.

Awang-awa din ako sa mga mag-aaral ng De La Salle University pati sa mga mag-aaral ng College of St. Benilde lalu sa mga estudyante na nagmumula pa sa hilagang bahagi ng Metro Manila tulad ng Sampaloc sa Maynila partikular sa kapatid ko. Pati na rin sa mga estudyante nilang umuuwi pa ng Quezon City dahil ayaw nila mag aral sa Ateneo, UP kahit UST dahil sa kaartehan na hindi maipaliwanag. Naaawa rin ako sa mga magulang na hindi afford o mag bayad ng umupa sa dorm upang mapadali ang pagpunta at pagpasok sa mga nasabing paaralan ngunit napag aral ang mga anak sa nasabing paaralan at naiinis ako sa mga estudyante at mga propesor na may lakas pa ng loob magmaneho at magparada ng mga sasakyan sa kahabaan ng Taft. LECHE!

Para sa mga mag-aaral ng Ateneo de Manila na nagmamaneho, SIGE DRIVE LANG. Akala niyo nabibigyan niyo nang solusyon yong mga pang sariling problem niyo sa trapik, HINDE. Tumingin nga kayo sa salamin at sabihin at mag-isip ng mabuti. MAHAL PA NAMAN DIN ANG MATRIKULA SA INYO.

Para naman sa mga mag-aaral ng University of Santo Tomas sa first sem niyo problema niyo baha tas pagdating ng second sem init ng panahon pero tiis lang din sa mga summer uniforms niyo. Mabuti hindi sapilitan ang pagsuot ng mga regular college uniform niyo.

Sa sobrang init din naman ng panahon kasalanan din natin kasi taga lang tayo ng taga, sibak lang ng sibak ng mga punong kahoy, wala nang mga puno na nagpapahina ng singaw ng hangin ika nga ng professor ko sa Environmental Science at yong mga pabrika sige lang sa pagpapakawala ng mga usok at mga kemikal sa Ilog Pasig. Mas nakakabadtrip pa nga ngayon ang summer kung tutuusin dahil sumabay pa ang panahon ng kampanya at may mga kalsadang napipilitan ipasara upang makapag pasagawa ng mga campaign rally ang mga kandidato sa local level at gumagawa ng paraan upang makapang uto ng mga taong hindi pa nakakapag desisyon kung sino ang kanilang iboboto sa araw ng halalan.

Mayor Erap at dating mayor Lim na kumakandidato ulit sa pagka mayor, salamat nga pala ng marami sa trapik noong Marso pati na rin ay Grace Poe.

 

May nauso pala na hashtag na #LaBoracay na pagdating ng May 1 lahat ng mga taong trip lang magbikini, magpakita ng abs at kung ano pa ay pumaparty na parang mga loko-loko sa Boracay tapos magiging sobrang kalat pagkatapos.

Grabe lang.

Kaya yong isa kong professor na lumaki sa Boracay dahil probinsya niya yon, nababadtrip nang umuwi dahil wala na yong Boracay na kinalakihan niya. Nakakalungkot lang. Ang saklap rin para sa akin dahil ang una at huling bisita ko ng Boracay kasama ng pamilya ko, Pasko pa tapos yon na din ang mga panahon na ang sama na nang dating ng Boracay. Nakakainis lang din na may kapal sila nang mukha at lakas nang loob para makapag post ng mga itsura nilang mga walwal at kung sino na ang kaakbay at kung ano na rin ang nahahawakan.

Pinagsi siksikan ang mga sarili sa Boracay para lang sa hashtag na #LaBoracay samantalang pwede naman sila pumunta sa ibang mga beach tulad ng Coron sa Palawan, Canigao sa Leyte, Pagudpod sa may bandang Ilocos, Nasugbu sa may Batangas at marami pang iba na pwedeng puntahan.

 

Yong mga tao naman dito sa Metro Manila, yong mga hindi nakatira sa mga subdivision makapag set up lang nang mga inflatable na swimming pool masaya na at kontento na para sa mga bata. Yong mga matatanda o kaya magulang, beer at yelo lang sapat na. Yong pulutan inihaw na bangus may kasama pang inihaw na baboy. NAKAKAGUTOM DI BA?

Para naman sa katulad ko, nakakaasar lang din dahil lahat ng mga magagandang superhero movies naglalabasan kung kailan wala akong sapat na ipon. PUSANG GALA NAMAN OH! Swerte ko lang din talaga noong kainitan pa ng Star Wars: The Force Awakens dahil nakapag ipon talaga ako nang pang nood.

Sobrang dami din ng mga superhero movie, nawawalan na rin ang iba ng interes sa mga contemporary films kahit mga biographic films gaya ko na kinain na din ng sistema. Ang sistema ng mga superhero movies. Pero di ko naman minamasama ang mga superhero movies na naglalabasan ngayon dahil karamihan naman talaga sa mga pelikulang ito ay inilaan sa mga panatiko ng mga comic books at mismong mga bata.

 

INIT LANG TO NG ULO KO. MAKALIGO NA NGA LANG PARA LUMALIG ANG ULO. PERO MAS MASARAP ANG PAKIRAMDAM KUNG SA BAGUIO AKO MALILIGO TAPOS HINDI AKO UUWI NANG MAYNILA at kung may pera lang din ako, boboto muna ako dito dahil rehistrado ako dito tsaka ako aakyat ng Baguio. Miss ko na rin ang scenery ng Camp John Hay pati yong Strawberry Fields nila.

Advertisements

Author: babyama0402

I am Rick. Born April 2, 1993 living in the catch basin area of Sampaloc, Manila. I am underweight and if you can bring me to a buffet or just simply asking me out to have lunch or dinner I’ll have the most delicious meal with a lot of carbs and good fat. I am former psychology student at Colegio de San Juan de Letran and now I have shifted to journalism in the same institution. I am a fan of sports, music lover, animal lover, dog owner, movie goer in my spare time and money, geek and many other things such as photography. I am not really a bibliophile but I try to read a lot of books as much as I can from fiction to non-fiction, foreign or Philippine literature. I can write something about sports, social issues in the Philippines, even world news or just any thing I want to write about that can give meaning to the universe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s