PARA LANG MAINTINDIHAN NG LAHAT

Ito ang aking unang artikulo sa wikang Filipino dito sa aking Word Press at ito ay para sa mga kamag anak kong nagbabalak na mag impluwensya dahil sa nalalapit na panahon ng kampanya at eleksyon.

Nalalapit na ang pagtatapos ng taon na ito at nalalapit na rin ang mismong panahon ng kampanya at eleksyon sa susunod na taon dito sa Pilipinas. Gusto ko lang sabihin sa artikulo na ito na huwag kayong makialam sa balota ko. Dahil COMELEC na ang bahala kung imamaneobra nila ang balota ng bawat Pilipino o hinde. Hindi kayo nagkakamali ng binasa dahil nasa kultura na rin ng eleksyon sa Pilipinas ang pandaraya at kung ano-ano pang kalokohan na nangyayari sa kampanya at eleksyon.

Para sa mga kamag anak kong may mga pinanghahawakan kahit nasa barangay level lamang; hayaan niyo akong bumoto lalu na pagdating sa mismong eleksyon ninyo. Nasa wastong isip at edad na ko para mag desisyon kung sino ang iboboto ko o hinde. Nakikita ko rin may bini buildup kayong kandidato at huwag ninyo akong pipilitin na iboto yon dahil handa akong iblanko ang parte na iyon ng aking balota. Lilinawin ko lang din na hindi ko kayo pinagbabantaan dahil pinag katiwala ko rin sa inyo ang kaligtasan at kaayusan ng ating lugar.

Para sa mga pinagkaka tiwalaan ninyong mga opisyal ng ating distrito mula konsehal hanggang kongresista WALA AKONG PINAGKAKATIWALAAN SA INYONG LAHAT. Kilala niyo ang mga pinagkaka tiwalaan niyo pero sa totoo lang wala akong nakita na magandang pagbabago o naitulong mula sa kanila. Buti pa ang mga opisyal sa bandang Paco at Sta. Ana nagkaroon ng Skate Park. At least yong iba sa kanila hindi na kailangan tambayan si Andres para lang makapag skate board pero ang pangit pa rin at nakakahiya kay Gat Andres dahil may maliit na peryahan sa paligid niya.

Nakakadismaya na ganon ang sitwasyon. Hindi ko talaga ramdam ang tulong niyo sa distrito namin. Mas ramdam ko ang presensya ng mga tarpaulin ninyo sa  bahay ng chairman namin kahit hindi na eleksyon at nakukuha pa magpakabit ng tarpaulin na may pabati ng Merry Christmas, Happy Valentines, Happy Easter at congratulations graduates pero sige salamat na rin sa maliit na tulong na binigay niyo sa ilan sa amin pero di sapat kasi di ko lubusan maisip kung bakit niyo hinahayaan na pataasin lang ng pataasin DPWH yong mga kalsada dito habang yong mga kalye lumulubog na sa baha. Mahiya naman kayo sa mga magulang ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas na nagbabayad ng malalaking tuition sa UST at nagrerenta sa mga condo at dormitoryo sa paligid ng unibersidad nila na binabaha lang ng ganon-ganon. Mahiya rin naman kayo sa kaparian nila dahil pina ringgan na nga sila ng president sa huling SONA niya.

Ang nakaka urat talaga pag kampanya ay yong mga kandidato na “feeling close” na pumapasok ng bahay ng may bahay tapos hindi man lang mag iwan ng grocery (AY! Vote buying pala yon muntik ko na makalimutan).

Sa totoo lang, mayroon pang mas malalaking issue maliban sa inyo at kulang ang isang artikulo o link para usisain kayong mga konsehal ang kongresista dito sa Maynila. Sana lang talaga yong mga opisyal na pumabor sa pagpapatayo ng Terror ESTE Torre de Manila ay huwag na manalo pati yong mga nawalan nang lakas ng loob na alagaan ang background ni Rizal sa Luneta. Hindi niyo lang din kasi alam na mahirap at matrabaho ang mag ayos ng mga litrato para lang maalis ang Pambansang Photobomb.

Advertisements

Author: babyama0402

I am Rick. Born April 2, 1993 living in the catch basin area of Sampaloc, Manila. I am underweight and if you can bring me to a buffet or just simply asking me out to have lunch or dinner I’ll have the most delicious meal with a lot of carbs and good fat. I am former psychology student at Colegio de San Juan de Letran and now I have shifted to journalism in the same institution. I am a fan of sports, music lover, animal lover, dog owner, movie goer in my spare time and money, geek and many other things such as photography. I am not really a bibliophile but I try to read a lot of books as much as I can from fiction to non-fiction, foreign or Philippine literature. I can write something about sports, social issues in the Philippines, even world news or just any thing I want to write about that can give meaning to the universe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s